Philippines vs. Hayden Kho

Philippines
May 30, 2009 7:31am CST
kailan lang ay binulabog ng youtube ang pananahimik ng Pilipinas, ito ay kaugnay sa kumalat na video sa youtube ng pagsayaw nina katrina halili at hayden kho na hindi naaayon ang kasuotan, ngunit ang higit na ikinagulo ng sambayanan ay ang nasabing pagtatalik ng dalawa... bagamat hindi ko napanuod (Ayoko talagang panuorin) naramdaman ko ang galit at pandidiri kay hayden kho dahil sa kumalat na kung sinu-sinong babae ang kinuhanan niya ng video habang nakikipagtalik dito. tumindi ang galit ko sa pag-aakala na siya ang nagpakalat ng mga mahahalay na video. sa pagdaan ng mga araw ay tuluyan ng kumalat at talagang marami na ang nakapanuod ng kontrobersyal na palabas, at lahat sila ay nagkomento na si katrina ang higit na agresibo sa tagpong ito. nang magkaroon ng hearing sa senado at nakita kong binuhusan ng tubig si hayden, inaamin ko na nakaramdam ako ng awa, normal na reaksiyon iyon ng isang tao... nang sabihin ni katrina halili na binaboy siya ni hayden ay medyo natawa ako marahil naisip ko ang mga ikokomento ng mga mapanghusgang pilipino tulad ng "paano siya binaboy eh enjoy na enjoynga siya?" kung hindi naman kasi siya nagpagalaw sa isang taong may girlfriend na, hindi ito mangyayari sa kanya kaya dapat ay hindi niya isinisisi kay hayden ang lahat ng kasalanan dahil magkasama nila itong ginawa, diba? at ang mga senador naman, kinuha pa nila ang pagkakataong ito para magkaroon pa ng publicity... bakit kailangan pang isapubliko ang nagaganap na hearing? dahil ba sa mga celebrity ang sangkot? batas para sa mga babae... hanggang ngayon pala ay wala pa rin silang naipapasang batas para dito... anong ginagawa nila? nanunod ng laban ni paquiao? di ba, parang nakakaasar, kailangan munang sikat ang mabiktima bago sila umaksyon, malapit na kasi ang eleksiyon kaya pinalalaki ang isyu siguro para sa exposure... kung batas rin lang, bakit hindi na lang sila magpsa ng isang batas kung saan ang sino mang makikipagtalik sa hindi niya asawa ay parehong mahahatulan at mapaparusahan ng batas... kung maipapasa ito, ang lahat ng babae ay makakaroon ng medical check-up upang mairecord kung sila ay nanatiling birhen, upang malalaman ng mapapangasawa niya (Kung sakaling hindi na birhen ang babae) ay malaman niya kung nasakop ng batas ang pagkawala ng kanyang virginity, at kung sakop ito, maaaring ipakulong ang babae at ang lalakeng nakatalik nito... magsilbing aral sana sa lahat ng pilipino ang nangyayaring ito kay katrina at sa hearing nina katrina, kailangan ba talagang sa senado pa gawin ang paghaharap?ang daming problemang nakatambak, baka naman gusto nilang pagtuunanan ng pansin, no offense to bong revilla, medyo active siya sa kaso kasi celebrity rin siya paalala lang, hindi lang si katrina ang nawalan ng trabaho, habang nag-iiyakan at nagpupukpukan kayo ng martilyo sa senado, maraming pilipino ang naaapi at namamatay sa ibang bansa (wala kasing matinong trabaho na may magandang sweldo rito sa pinas kaya nagpapaalipin sa ibang bansa) dahil sa paghahanap ng mapagkakakitaan upang mabuhay ang pamilya... (please don't sue me, i just wanted to share my opinion) boses ng masa...
No responses