Goodbye Pluto (Filipino Language)
@MarquisCleru (9)
Manila, Philippines
March 2, 2014 7:43am CST
That was a long time ago, but that night I remembered that Pluto is demoted from being a planet.
Based on new regulations, there are 3 Requirements for a body to qualify as a planet:
1. It revolves around the sun.
2. Has its own gravity so that it can pull itself and to make it as a whole circle
3. Has its own orbit
Dahil siguro natural na pasaway, (Pluto is the Roman God of the Underworld), na-reclassify
itong si Pluto ng pasukin nya ng espasyo ng Neptune, isang paglabag sa requirement #3. Sa
twenty years out of 248 na rebolusyon, sinasapawan ng Pluto ang katabing Neptune at nagiging
mas malapit sya sa Araw. Ito ang nagging dahilan kaya napagkasunduan ng International
Astronomical Union (IAU) na tanggalin sya sa pagiging planeta.
Marami namang nagrereklamo sa pagkaka-kick out kay Pluto sa celestial brotherhood. Ilang
textbooks daw ang ire-revise, ilang planetarium/space museum ang irerenovate, at ilang tour
guides ang magbabago ng script, dahil ayon sa Pag-Asa, madadagdagan ng 15 minutes ang 30
minutes na tour para ikumpara ang classic at modern arrangement.
Bukod dito, mawawalan din ng isang member ang Sailor Soldiers, hindi ko lang alam kung
gaano karami ang fans ni Sailor Pluto at ewan ko lang kung irerevise pa ni Naoko Tekeuchi ang
series nya. Anyway, hindi na naman ako nanonood ng sailormoon simula ng pumasok ako sa
academy, lolz (go Naruto!) Speaking of cartoons, hindi daw apektado ang franchise sa aso ni
Mickey Mouse ayon sa Disney.
Pati ang mga Scorpio, kailangan na naman yata nilang magpalit ng ruling planet (dati share
sila ng Aries sa planet Mars pero ipinaubaya na nila ito around 1950 matapos madiscover ang
Pluto around 1930).
Para sa mga nalulungkot sa eviction ng Pluto, rest assured na magiging masaya sya sa bago
niyang barkada. Bilang dwarf planet, kasama na niya ngaun sina Ceres, Xena at marami pang
darating at papangalanang dwarf planet.
Paalam Pluto, sa munting pagsasama natin, sa pangarap ko na marating ka nung grade 3
ako, sa milyon milyon mong fans, at sa mga batang hindi na magkakabisa ng 9 na planeta...
kaming lahat, mamimiss ka namin!
#Reposted
No responses